Ang alokasyon ng slot para sa M6 World Championship ay opisyal nang inanunsyo
Opisyal nang inanunsyo ng MOONTON Games ang alokasyon ng slot at prize pool para sa darating na Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) M6 World Championship, na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa huling bahagi ng taon na ito. Ang developer ay nagbigay din ng pahiwatig tungkol sa isa pang rehiyon para sa Wild Card, na hindi pa natutukoy.
Ang inaabangang flagship esports tournament ng MLBB ay magsisimula sa Wild Card Stage, kunsaan walong koponan ang maglalaban para sa isang slot sa Main Stage. Sa kasalukuyan, walong slot para sa Wild Card stage ay nakakalat sa pitong kilalang rehiyon: EECA, Turkiye, LATAM, MENA, China, Mongolia, Mekong, at isang rehiyon na hindi pa natutukoy.

Pagkatapos ng Wild Card Stage ay ang Main Stage, na magtatampok ng 16 na internasyonal na koponan – kasama ang Wild Card winner – na maglalaban para sa pinakaaasam na titulo sa MLBB esports. Ang M6 World Championship ngayong taon ay magkakaroon din ng mas mataas na prize pool na nagkakahalaga ng $1,000,000 USD, mula sa $900,000 noong nakaraang taon.

Ang 16 na koponan na makikipagkumpitensya sa M6 ay nagmula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang Indonesia, Pilipinas, at Malaysia ay magkakaroon ng tig-dalawang kinatawan habang ang Singapore, Cambodia, Myanmar, NA, EECA, Turkiye, LATAM, MENA, at China ay magkakaroon ng tig-isang slot, at ang huling slot ay mapupunta sa Wild Card stage winner.
Sa kasalukuyan, tanging ang Semi-final at Grand Final stages pa lamang ang inanunsyo, at pareho itong magaganap sa Axiata Arena Bukit Jalil, Malaysia. Ang venue ay ang parehong lugar kung saan ginanap ang unang World Championship, ang M1 World Championship.
Ang M Series ay taunang world championship tournament ng MLBB na naglalayong ipakita ang rurok ng kompetitibong MLBB gaming. Ang unang edisyon nito ay ginanap noong 2019 sa Kuala Lumpur, Malaysia. Mula noon, ito ay naging isa sa pinakapopular na esports events sa buong mundo, kung saan ang M5 World Championship ay nakakuha ng 5.06M Peak Viewers.